BARANGAY DAY 2024

Nagkaroon ng masayang pagtitipon ang ating mga barangay captains, barangay officials, mga BARANGAY POLICE at mga pamilya nila sa Magalang Barangay Day kasama si Mayor Malu at mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Magalang.
 
Isinelebra ang Barangay Day bilang isang araw ng pagbibigay-pugay sa mga BARANGAY TANOD sa malaking kontribusyon nila sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa bayan ng Magalang.
 
Bilang paggunita sa women’s month, kinilala at pinasalamatan din ni Mayor Malu ang mga babaeng tanod at barangay officials sa kanilang kasipagan at dedikasyon sa trabaho.
 
Namigay din ng mga papremyong cash at cellphone ang alkalde katuwang sina Cong. Jon Lazatin at Gov. Dennis “Delta” Pineda.
 
Ang BARANGAY DAY sa Magalang ay idinadaos tuwing March 23 bawat taon kasabay sa kaarawan ng yumaong dating Mayor Daniel T. Lacson na kinikilalang “Father of public safety & security, peace & order” sa Magalang.