Pinangunahan ng opisina ng alkalde ang isinagawang pamamahagi ng social pension payout para sa mga Magaleñong senior citizens sa buong Magalang sa naganap na simultaneous distribution ng social pension para sa mga kwalipikadong Senior Citizen.

Inihalintulad ang programang Social Pension ng lokal na pamahalaan ng Magalang sa pamumuno ni Mayor Malu Lacson sa programa ng National Government na kung saan makakatanggap ng P1500 kada tatlong buwan ang mga kwalipikadong lola at lola. Hanggarin ng phase 1 ng programa ang mabigyan ang isang senior citizen per household lalo na ang mga hindi nakakatanggap ng pension mula sa National Government para sa malawakan coverage ng programa.
 
Ibinahagi din ni Mayor Malu na patuloy ang pagbuo at pagpapatupad ng mga programa ng lokal na pamahalanan na magbibigay tulong sa ating mga nakatatandang Magaleños.