MAGALANG LGU AT DOE NAG-INSPEKSYON SA GASOLINE STATIONS AT PLANTA NG LPG

Nagsagawa ng spot inspection ang Lokal na pamahalaan ng Magalang sa pamumuno ni Mayor Malu Lacson at DOE sa mga gas stations at LPG companies sa buong bayan upang maprotektahan ang karapatan ng mga mamimiling motorista.
ย 
Sa pag-iikot ng Magalang LGU, DOE, at BFP, kanilang maiging siniyasat ang kalibrasyon ng mga kagamitan tulad ng calibration buckets upang tiyakin na tama ang sukat ng petrolyong nailalako sa mga mamimili.