Dumating na kaninang umaga ang bagong garbage truck ng Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Paras Lacson

Dumating na kaninang umaga ang bagong garbage truck ng Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Paras Lacson na gagamitin sa pangongolekta ng mga basura ng bawat barangay dito sa ating bayan.
 
Ang naturang garbage truck ay malapit ng magamit ng General Services Office (GSO) sa pangongolekta ng mga basura katuwang ang mga Barangay officials sa pamumuno ng mga Punong Barangay na may punong responsibilidad na panatilihing malinis ang bawat nasasakupang barangay.
 
Hangad ng ating butihing alkalde ang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa buong bayan ng Magalang. Aniya, ang malinis na Magalang ay hindi lamang makakabuti sa ating kalusugan bagkus makakaengganyo pa ito ng mga turista na papasyal sa ating bayan.
 
Patuloy na hinihikayat ni Mayor Malu ang bawat Magaleño na mas maging masinop at magsagawa ng segregasyon ng mga basura sa kanilang tahanan bago pa man ito makolekta ng ating Garbage Collection Unit.