Pinangunahan ni Mayor Malu Paras Lacson sa tulong ng Public Employment and Service Office (PESO) ang isang Orientation and Signing of Contract para sa mga LIMANG DAANG (500) kabataang Magaleño na benepisyaryo ng Special Program for Employment Of Students (SPES) na programa ng Lokal na Pamahalaan ng Magalang katuwang ang DOLE sa Plaza Magalang.

Ayon sa alkalde, patuloy na tutulong ang lokal na pamahalaan ng Magalang sa mga estudyante hanggang sila ay makapagtapos sa pag-aaral.
 
Maaasahan na patuloy ang programa ni Mayor Malu Lacson na mag-aangat sa edukasyon at magpapalawak sa kakayahan ng mga kabataang Magaleño.
 
Nagbigay din ng mensahe si Councilor Norman Lacson sa mga kabataang Magaleño na benepisyaryo ng naturang programa.