Mayor Malu Lacson at SB Member Norman Lacson, nagbigay ng tulong-pinansyal sa mga mag-aaral ng Graduate Studies ng PSAU

Naglaan ng tulong-pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Magalang sa mga mag-aaral ng Graduate Studies sa Pampanga State Agricultural University (PSAU).


Pinangunahan nina Mayor Malu Lacson at SB Member Norman Lacson ( Chairman ng Committee on Education at Presidente ng PSAU Graduate Students Association) ang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa mga mag-aaral. Kasama rin sa pagbibigay ng tulong-pinansyal si Dr. Anita David, ang pangulo ng PSAU, upang personal na maibigay ang tulong sa mga magaaral.


Sa mensahe ng butihing alkalde, aniya โ€œAs a community that values education, we are committed to investing in our students’ futures, and we will continue to seek ways to provide support that will enable you to thrive academically and professionally.โ€


Taos-pusong nagpapasalamat ang mga mag-aaral sa suportang ibinigay ng lokal na pamahalaan ng Magalang sa kanilang pag-aaral. Ang ganitong mga programa ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga institusyon ng edukasyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral.