Ang Pagpapaganda Sa Plaza Magalang

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Paras Lacson sa pagpapaganda ng ating Plaza Magalang sa pamamagitan ng mga bago nitong upuan na pwedeng gamitin ng mga Magaleño o mga bisita na pumupunta dito.
 
Ang pagpapaganda sa Plaza Magalang para maging local attraction ay bahagi ng mga proyekto ni Mayor Malu Paras Lacson. Personal na ininspeksyon ni SB Member Norman Lacson ang mga bagong atraksyon sa Plaza Magalang.
 
Ayon sa alkalde, hinding-hindi mapapagod at magsasawa ang Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pagsisilbi sa mga bawat pamilyang Magaleño at sa pagpapaganda ng bayan ng Magalang .