Naging mainit ang pagtanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Paras Lacson, mga kawani ng Pampanga State Agricultural University at si Gov. Dennis Delta Pineda kay Sen. Imee Marcos sa kanyang pagbisita sa ating bayan.

Pinangunahan ni Sen. Imee ang dayalogo sa mga Magaleño magsasaka sa ating bayan. Napagusapan ang plano at programa ni PBBM tungkol sa agrikultura at mga magsasaka ng ating bansa.
 
Personal na iniabot ni Sen. Imee kasama si Gov. Delta at Mayor Malu ang tulong pinansyal sa 1000 Magaleño ang AICS program o Assistance to Individual/Families in Crisis Situation ng DSWD sa mga kwalipikadong residente.
 
“Nagpapasalamat tayo kay Sen. Imee Marcos sa kanyang walang sawang pag-abot ng tulong para sa mga mamamayan ng ating minamahal na bayan. “ pahayag ni Mayor Malu Lacson.