Pinangunahan ni Mayor Malu Paras Lacson kasama si SB Member Norman Lacson ang pamamahagi ng Social Pension sa mga nakakatandang Magaleño sa Brgy. San Nicolas 2, San Pedro 2, Camias, San Francisco, at San Jose.

Patuloy ang suporta ni Mayor Malu sa mga programa para sa ating mga lolo at lola na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
 
Para sa ating mga kababayan na nais malaman ang mga ganitong programa, maaaring magtungo sa opisina ng OSCA at antabayanan ang anunsiyo mula dito sa ating Official FB page para sa mga susunod na programa ng ating lokal na pamahalaan.