Mayor Malu sinuspinde ang IN-PERSON classes sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong bayan ng Magalang simula Marso 6 hanggang 10

Bilang paghahanda sa magiging epekto ng malawakang tigil pasada sa mga estudyante, magulang at guro sa ating bayan, inilabas ni Mayor Malu Lacson ang Executive Order No. 8 na nagsususpinde ng IN-PERSON classes sa lahat ng antas simula Marso 6 hanggang 10, 2023.
ย 
Ayon sa naturang order, hinihikayat ang paggamit ng alternative delivery modes of learnings tulad ng online classes o module para sa mga mag-aaral simula Marso 6 hanggang 10 upang hindi maantala ang kanilang pagaaral.