AYUDA PARA SA MGA ESTUDYANTENG MAGALEÑO

Sa ngalan nina Governor Dennis Pineda at Vice Governor Nanay Pineda, pinangunahan nina Magalang Mayor Malu Paras Lacson at Board Member Moshe Lacson ang pamamahagi ng Educational Financial Assistance Program o EFAP sa 353 na kabataang Magaleño.
 
Paalala ni Mayor Malu sa mga estudyante, pag-igihan ang pag-aaral dahil naniniwala siya na ang edukasyon ang sagot sa kahirapan.
 
Dumating din sa awarding ng mga educational financial assistance sina Councilor Norman L. Lacson, ABC President June P. Marimla at San Nicolas 1 Brgy. Captain Wangyu David.