KALINGA PARA SA MGA BEDRIDDEN AT MAY SAKIT

Hinandugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ng ayuda ang mga bedridden senior citizens mula sa mga bayan ng Mabalacat at Magalang ngayong araw.


Walumpu’t isang (81) representante ang tumanggap ng tig- P 1,000 finamcial assistance, 1.8 kg na gatas, at food packs bilang bahagi ng programa nina Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, at Sangguniang Panlalawigan para sa mga ‘sickly frail’ at ‘bedridden senior citizens’.


Sa ngalan nina Governor Delta at Vice Gov Nanay, nanguna sa pamimigay ng ayuda sina 1st District Board Member Benny Jocson, PSWDO head Elizabeth Baybayan at ang Provincial Treasurer’s Office (PTO).


Nakiisa rin sa pamamahagi ng tulong ang mga kawani ng Office for the Senior Citizens’ Affairs kasama sina Magalang Mayor Malu Lacson at Councilor Norman Lacson.


Pictures Taken by: Gerald Gloton / Pampanga PIO