Specialized Wheelchairs para sa mga kabataang Magaleñong may kapansanan

Muling namahagi ang Returned Services League of Australia sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Lacson ng mga specialized wheelchairs para sa kabataang Magaleñong nangangailangan nito sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
 
Patuloy ang lubos na pagpapahalaga sa mga Magaleñong may kapansanan ni Mayor Malu dahil kailangan nila ang suporta ng gobyerno sa kanilang pinapasan na problema.
 
Pinapaalalahan din ng butihing alkalde ang mga Magaleño na bukas ang kanyang tanggapan at Malasakit Center sa lahat ng mga Magaleñong mangangailangan ng tulong medikal.