PINEDA FAMILY MEDICAL MISSION FOR MAGALEÑOS

Nagtungo ang Medical Mission ng Pineda Family sa pakikipag tulungan ng lokal na pamahalaan ng Magalang sa Magalang Central School para maghandog ng libreng serbisyong medical para mga Magaleños.
 
Sa ngalan nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, Lubao Mayor Esmie Pineda at Magalang Mayor Malu Paras Lacson pinangunahan ni Second District Board Member Mylyn Pineda-Cayabyab kasama si Magalang Councilor Norman Lacson at Executive Assistant to the Mayor Pong Lacson ang pagbibigay ng libreng check-up, salamin, gamot, at bunot ng sirang ipin sa lahat ng mga benepisyaryo.
 
Sa mga Kabalen na gustong magpacheck-up o magpalista sa medical mission, maaring makipag-ugnayan sa inyong mga barangay captain o Nanay Community Workers (NCW).