Trabaho para sa kabataang Magaleño – SPES Distribution sa pangunguna ni Mayor Malu Lacson

Nasa apat na daang (400) kabataang Magaleño ang nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang nakatanggap ng kanilang sahod mula sa Magalang LGU at DOLE.
Ang SPES o Special Program for the Employment of Students ay programa ni Mayor Malu Lacson para sa kabataang Magaleñong nangangailangan ng trabaho katuwang ang DOLE. Nakatanggap ang mga ito ng higit kumulang P10,000.00 sa kanilang pagtatrabaho sa loob ng 20 na araw.
Patuloy ang mga programang pangkabuhayan ni Mayor Malu para sa mga Magaleño upang makabangon sa naging epekto ng COVID-19.
Para sa katanungan ukol sa SPES program ng Magalang LGU, maaaring bumisita sa opisina ng PESO Magalang.