Pinangunahan ni Mayor Malu Paras Lacson kasama si SB Member Norman Lacson ang pamamahagi ng tulong para sa mga estudyante at indigent Magaleños sa Barangay San Pedro 2.

Higit limampu (50) na ikolars ng Educational Financial Asisstance Program (EFAP) at isang daang (100) benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ng opisina ng alkalde na ginanap kahapon, araw ng Miyerkules, ika- 22 ng Mayo.
 
Dumalo din sa naturang programa ang mga opisyales ng Barangay San Pedro 2.