Mt. Arayat Fire Incidents Coordination Meeting

Dumalo sa pagpupulong patungkol sa mga naiulat na sunog sa Mt. Arayat na pinangunahan ni Gov. Dennis Pineda si Mayor Malu Lacson kasama ang Magalang BFP, Magalang PNP, MDRRMO, mga opisyales ng PENRO, PDRRMO, at mga opisyales ng Municipality of Arayat.
 
Ayon sa imbestigasyon, ang kaingin ang dahilan ng mga sunog. Humigit-kumulang 30 ektarya ng lupa ang naapektuhan. Pinagtibay din ng provincial government ang Mt. Arayat Sinukwan Task Force sa pakikipagtulungan ng BFP.
 
Gagawa din ng panibagong task force na tututok sa kalagayan ng bundok sa maaring epekto ng pagkasira ng mga puno bunsod ng mga sunog. Bukod dito, maglalagay din ang PDRRMO o Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga karatula sa paligid ng bundok. Ito ay para ipaalala sa mga tao kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa loob ng protektadong lugar na ito.
 
Ayon kay Mayor Malu, agad na rumisponde ang Magalang BFP, PNP at MDRRMO noong may mga ulat na nasusunog ang ilang parte ng Bundok Arayat. Buong suporta din ang alkalde sa mga plano ng gobernador para sa Bundok Arayat.