๐’๐ž๐ง. ๐‹๐ข๐ญ๐จ ๐‹๐š๐ฉ๐ข๐ ๐›๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ซ๐ข๐›๐›๐จ๐ง ๐œ๐ฎ๐ญ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐œ๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ๐š๐ญ ๐›๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐œ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ž๐ ๐œ๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ ๐ฌ๐š ๐๐’๐€๐”

Pormal na pinasinayaan ngayong araw ang bagong covered court sa PSAU na ipinangalan kay Sen. Lito Lapid. Ito ay dinaluhan ni Sen. Lito Lapid kasama sina Mayor Malu Lacson, SB Member Norman Lacson, TIEZA Chief Mark Lapid at mga opisyales ng Pampanga State Agricultural University sa pangunguna ni Dr. Anita David.


Bukod sa pagpapasinaya at ribbon-cutting ceremony, idinaos din ang pagbebendisyon sa naturang covered court na ipinangalan kay Sen. Lito Lapid.


Taos-pusong nagpasalamat ang ating butihing alkalde kay Sen. Lito Lapid dahil sa kanyang mga proyekto para sa mga Magaleรฑo. Aniya, kahit bago pa lamang ang covered court ay ilang beses na itong nagamit sa mga proyekto tulad ng TUPAD distribution at AICS/Cash assistance distribution ng alkalde at ni Pampanga Gov. Delta Pineda para sa mga Magaleรฑo.


Nangako din ang alkalde na patuloy siyang makikipagugnayan sa butihing Senador para sa mga makabuluhang proyekto na makakatulong sa mga Kapampangan partikular ang mga Magaleรฑo.