964 na Magaleรฑo ang tumanggap ng P5,000 sa pamamagitan ng TUPAD (Tulong panghanap buhay sa ating Disadvantaged/Displaced Worker) program ng Department of Labor and Employment sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Lacson.
Pinangunahan ni Mayor Malu Lacson kasama sina SB member Norman Lacson at SB member June Marimla ang TUPAD payout sa Plaza Magalang.
Sa pamamagitan ng programang ito ay nabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang ating mga kababayang nawalan ng pagkakakitaan dulot ng pandemya. Sila rin ay kabahagi ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling malinis ang kapaligiran ng ating bayan.
Para makasali sa programang TUPAD, makipag-ugnayan lamang sa PESO Magalang.