Matagumpay na nailunsad ng Department of Tourism Regional Office III sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Paras Lacson ang taunang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa bisa ng Proclamation No. 1172 s. 2006 na nagsisimula mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12 na naglalayong itaas ang kamalayan at mga hakbang sa pagprotekta sa karapatan ng mga kababaihan laban sa lahat ng uri ng karahasan na nakabatay sa kasarian.
Pinangunahan nina Mayor Malu Paras Lacson, Department of Tourism Region III Director Richard Daenos at Sinukwan Kapampangan Artistic Director Peter De Vera ang diskusyon sa nasabing makabuluhang programa.
Naglalayon ang kampanya na ito na palakasin pa ang karapatan at kakayahan ng mga kababaihan. Asahan po ninyo ang buong suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Magalang upang makamit ang #VAWFREE #VAWFREEPH
Dumalo din sa nasabing programa si Councilor Norman Lacson at mga Department Heads, Barangay Officials, Sangguniang Kabataan Officials, VAWC Officers, Day Care Workers, Magalang PNP, Magalang BFP at mga kababahian na kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Magalang.
Previous image
Next image