Libreng fluoride varnish application upang maiwasan ang pagkasira ng ngipin para sa mga kabataang Magaleño

Pinangunahan ni Mayor Malu Lacson katuwang ang mga kinatawan ng Pampanga Provincial Capitol sa pangunguna ni Gov. Dennis Delta Pineda ang pangangasiwa ng programang Flouride Varnish Application for Daycare students na ginanap sa Plaza Magalang.
 
Namigay ng dental kits ang alkalde sa mga Magaleñong daycare students upang mapanitiling maayos ang kanilang dental health. Samantalang nagbigay din ng dagdag kaalaman ang mga kawani ng Alagang Nanay Preventive Healthcare program ng kapitolyo sa mga kabataan at kanilang mga magulang patungkol sa tamang pagaalaga ng ngipin.
 
Nasa mahigit 1500 benepisyaryong daycare students ang makikinabang sa programang ito. Gaganapin sa mga susunod na araw ang pagpapatuloy ng programang libreng fluoride varnish application.