Pamamahagi ng Organic Fertilizer sa mga magsasakang Magaleño

Muling isinagawa ang pamamahagi ng Organic Fertilizer para sa mga Magaleñong magsasaka sa pangunguna ni Mayor Malu Lacson kasama sina SB Member Norman Lacson, Municipal Agriculturist Royce Lising, ABC June Marimla, at ilan pang kawani ng Provincial Agriculture Office.
 
Higit kumulang dalawang libong sako ng Organic Fertilizer ang naipamigay sa ating magsasaka bilang tulong sakanilang hanapbuhay.
 
Ang proyektong ito ay sa pagnanais nina Governor Delta at Mayor Malu na patuloy na maiangat ang sektor ng Agrikultura sa ating bayan.