Cash-for-Work mula sa lokal na pamahalaan ng Magalang at Pampanga Provincial Government sa ilalim ng Risk Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation – Disaster Risk Reduction

Nakatanggap ng tulong ang mahigit kumulang limang daang benepisyaryo ng Cash-for-Work mula sa lokal na pamahalaan ng Magalang at Pampanga Provincial Government sa ilalim ng Risk Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation – Disaster Risk Reduction.
 
Layunin nitong bigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga benepisyaryo ukol sa epekto at banta ng Climate Change.
 
Ito ay ginanap sa Magalang Town Plaza at naging matagumpay sa patuloy na pagsuporta at paglilingkod ng ating butihing Punong Bayan Malu Paras Lacson katuwang ang ama ng ating probinsya na si Governor Dennis Delta Pineda sa katauhan ni BM Mylyn P. Cayabyab.
 
Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo ng Cash for Work dahil malaking tulong ito at magagamit sa kanilang pang araw-araw na gastusin at pangangailangan.