PHASE 2 NG PROYEKTONG PAGSASAAYOS NG SPAGHETTI WIRES

Nasa Phase 2 na ng Proyektong Pagsasaayos ng mga spaghetti wires sa kahabaan ng Angeles-Magalang Road , isang pagsusulong na binuo ng lokal na pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Lacson, PELCO, at mga pangunahing telecom companies tulad ng PLDT, Globe, Converge, at Broadcable. Ang layunin ng proyektong ito ay ang pag-aayos ng magulong mga kable sa kilalang Angeles-Magalang Road.


Sa mga susunod na araw ay inaasahang gagawin na ang Phases 3 at 4 na magtatampok ng kumpletong hakbang upang tuluyang malutas ang problema ng magulong mga kable. Patuloy na nakikipag ugnayan ang butihing alkalde at SB Member Norman Lacson na head ng task force na nakatutok sa proyektong ito.