Pinangunahan nina Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda at Mayor Malu Lacson kasama sina Board Member Win-Win Garbo at Dr. Moshe Lacson sa bayan ng Magalang ang paglulungsad ng “Alagang Nanay Preventive Health Care Program ni Governor Dennis “Delta” Pineda kahapon, ika-15 ng Nobyembre.
Sa pangkalahatan, mahigit sa 440 na Magaleรฑo ang nabigyan ng libreng medical assessment at gamot, habang nasa 101 na pasyente naman ang nakatanggap ng mga serbisyong dental.
Ang “Alagang Nanay Preventive Health Care Program” ay patuloy na nagbibigay ng ayuda at serbisyong pangkalusugan sa iba’t ibang bayan sa lalawigan, patuloy na nagtataguyod ng malusog na pamumuhay para sa mga Kapampangan.