๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐’๐š๐ง ๐๐ž๐๐ซ๐จ ๐Ÿ, ๐ง๐š๐ข๐๐ž๐ค๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐ง๐  ๐๐ซ๐ฎ๐  ๐œ๐ฅ๐ž๐š๐ซ๐ž๐

Sa patuloy na pagsulong na mga programa ng lokal na pamahalaan ng Magalang sa pamumuno ni Mayor Malu Lacson kontra iligal na droga, naideklara ng DRUG CLEARED ang Barangay San Pedro 2.
ย 
Masayang ibinalita ito ng Magalang PNP sa kanilang pagbisita sa opisina ng alkalde. Kasalukuyang 24 na ang DRUG CLEARED barangay sa ating bayan at 3 na lamang barangay ang hindi pa naipapabilang dito. Nabanggit ng alkalde na layon niyang maging DRUG CLEARED ang lahat ng barangay sa ating bayan sa lalong madaling panahon.
ย 
Nagpasalamat naman ang alkalde sa Magalang PNP at mga barangay officials na patuloy na nagpapanatili ng kaayusan sa ating bayan.