๐Œ๐š๐ -๐ง๐ž๐ ๐จ๐ค๐š๐ซ๐ญ, ๐€๐›๐จ๐ญ-๐ค๐š๐ฆ๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐‹๐š๐ง๐๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ -๐”๐ง๐ฅ๐š๐

Abot-kamay ang buhay na dekalidad ng mga benepisyaryo mula sa bayan ng Magalang na nakatanggap ng NegoKart na naglalaman ng mga kagamitan bilang tulong pangkabuhayan mula sa Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Paras Lacson.
ย 
Pinangunahan ni Mayor Malu Paras Lacson katuwang ng DOLE ang nasabing NegoKart Distribution na nagpaalala sa hangarin na mapalago at mapagyaman ng mga benepisyaryo ang negosyo na ipinagkaloob. Napili ang mga benepisyaryo mula sa mga nag-apply sa pamahalaang lokal upang makatanggap ng NegoKart at ang mga ito ay sasailalim sa skills training at isang taong monitoring upang matiyak ang progresong hatid ng programa.
ย 
Kasama ng butihing alkalde sina SB Member Norman Lacson, Brgy. Chairman ng Brgy. San Isidro Boboy Banal, at mga representate ng DOLE.
ย 
Sa talumpati ng alkalde sa naturang programa, aniya โ€œpagkatapos ng anim na buwan, kapag nakita namin na inalagaan niyo ang inyong mga NegoKarts, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Magalang ng karagdagang puhunan.โ€
ย 
Para sa mga Magaleรฑong nais makapag umpisa ng negosyo – maaaring bumisita sa PESO Magalang.