Pinangunahan ni Mayor Malu Lacson kasama si SB Member Norman Lacson ang isinagawang pamamahagi ng social pension ng lokal na pamahalaan ng Magalang para sa mga kwalipikadong Magaleñong senior citizens.
Ang programang ito ay handog ni Mayor Malu sa mga kwalipikadong senior citizens ng bayan ng Magalang, kung saan sila ay makakatanggap ng financial assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Magalang na makakatulong sa kanilang medikal at pisikal na pangangailangan. Nasa higit kumulang 3200 ang benepisyaryo ng proyektong ito.
Inihalintulad ang programang Social Pension ng lokal na pamahalaan ng Magalang sa programa ng National Government na kung saan makakatanggap ng P1500 kada tatlong buwan ang mga kwalipikadong lola at lola. Hanggarin ng phase 1 ng programa ang mabigyan ang isang senior citizen per household lalo na ang mga hindi nakakatanggap ng pension mula sa National Government para sa malawakan coverage ng programa.
Ibinahagi din ni Mayor Malu na marami pang programa ang inilalaan sa mga Senior Citizens sa ating bayan. Para sa mga hindi kwalipikadong makatanggap ng Social Pension, maaaring mabigyan ng ibang tulong tulad ng Cash Assistance, Livelihood Grant, SPES, EFAP at maaari din makakuha ng libreng gamot at medical assistance mula sa MAlasakit at LUgud Health Desk na nasa pangangalaga ng opisina ng alkalde, katuwang ang opisina ni Cong. Jon Lazatin, Mayor Pogi Lazatin at Governor Dennis “Delta” Pineda.
Previous image
Next image