CALUTUNG CAMARU – Nagningning ang talento at husay sa pagluluto ng mga kalahok sa katatapos lang na Calutung Camaru na ginanap sa Magalang Town Plaza

Nasungkit ng Brgy. Sta. Cruz ang kampeonato sa naturang patimpalak at pangalawa naman ang Brgy. San Nicolas 1 at pangatlo naman ang Brgy. Ayala.
ย 
Ang naturang paligsahan ng pagluluto ay isa sa mga tampok na aktibidad ng Camaru Festival 2023 na naglalayong pasayahin at bigyang pugay ang malikhain at masarap na tradisyonal na pagkain ng Magalang at patuloy na makilala ang Probinsya ng Pampanga bilang Culinary Capital of the Philippines.
ย 
Pinangunahan ni Mayor Malu Paras Lacson kasama sina Councilor Norman Lacson at Councilor Popoy Miranda, Chairman ng Pyestang Camaru 2023 , Municipal Treasurer Raissa L. Bayani katuwang ang PSAU – CHEFS ang naturang programa