LOKAL NA PAMAHALAAN NG MAGALANG, BIDA SA CL BUSINESS WEEK

Itinampok sa pahayagang Central Luzon Business Week ang pagpapasinaya ng pinakabagong proyekto ni Mayor Malu Lacson para sa Magaleño na LED street lights sa kahabaan ng Angeles-Magalang Road. Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng P5 milyong piso na napanalunan ng lokal na pamahalaan noong nagkamit ito ng Seal of Good Local Governance kamakailan.
 
Iginawad ng DILG ang P5 milyong pondo sa lokal na pamahalaan ng Magalang sa ilalim ng SGLGIF. Nasa isang-daang (100) bagong street lights ang makikita ng mga Magaleñong babaybay sa Angeles-Magalang Road (San Francisco to San Pedro 2) .