Pamamahagi ng relief packs sa Magalang bunsod ng Bagyong Egay

Sa kabila ng masamang panahon dulot ng Bagyong Egay, ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Magalang ang direktiba ni Mayor Malu Lacson na magbigay ng tulong sa ating bayan.


Pinangunahan nina Councilor Norman Lacson at Executive Assistant Pong Lacson ang pamamahagi ng relief goods sa Brgy. Sta. Maria, Brgy. San Pedro 2, Brgy. Sto. Niรฑo, at Brgy. San Roque. Bukod dito, tumulong din ang lokal na pamahalaan sa paglalagay ng sandbags sa Brgy. San Roque.


Inatasan din ng alkalde ang MDRRMO at mga Barangay officials na manatiling nakabantay sa mga high-risk areas para sa kaligtasan ng mga Magaleรฑo.