Pinangunahan ni Mayor Malu Paras Lacson ang pamamahagi ng 2nd Quarter Social Pension pay-out sa mga minamahal nating mga Lolo at Lola sa mga sumusunod na barangay: Sta. Cruz, San Nicolas 1, San Nicolas 2, San Pedro 1, San Pedro 2, San Isidro, at Sta. Lucia. Kasama rin sa pamamahagi ng social pension sina Councilor Norman Lacson, mga punong barangay, at mga opisyales ng Senior Citizen Association ng bawat barangay.

Ang pamahagi ng social pension ay isang proyekto na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong senior citizen ng Magalang. Ang mga senior citizen na nakatatanggap ng social pension ay maaaring gamitin ito para sa kanilang mga pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, at iba pang pang-araw-araw na gastusin.
 
Sa pamamagitan ng pamahagi ng social pension, ipinapakita ng lokal na pamahalaan ng Magalang ang kanilang suporta at pagmamalasakit sa mga nakatatanda. Inaasahan na lalo pang palalakasin ng alkalde ang mga serbisyong direktang makatutulong sa mga Magaleño sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyatibo at proyekto ng lokal na pamahalaan.
 
Ayon sa alkalde, bukas ang kanyang tanggapan sa lahat ng mga Magaleño lalong lalo na sa ating mga Lola at Lola upang magbigay ng kahit anong tulong na kailangan nila. Ang mga hindi kwalipikadong senior citizen sa programang social pension ng Magalang ay maaari namang makakuha ng mga libreng gamot o tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ng Magalang.