Isang mapagpalayang Araw ng Kasarinlan mula sa lokal na pamahalaan ng Magalang sa pamumuno ni Mayor Malu Paras Lacson. KALAYAAN 2023: “KALAYAAN, KINABUKASAN, KASAYSAYAN”

Sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas, nagpahayag ang Pamahalaang Bayan ng Magalang, Pampanga, sa pangunguna ni Mayor Malu Paras Lacson, ng kanilang pagkakaisa sa buong bansa. Ang tema ng pagdiriwang ay “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”

Pinangunahan ni Mayor Malu Paras Lacson ang flag-raising at wreath-laying ceremony sa Plaza Magalang kasama ang mga Magalang boy scout at girl scout, mga kinatawan mula sa mga paaralan ng DepEd Magalang North at South, kasama ang mga school heads at district supervisors. Kasama rin sa pagdiriwang ang Magalang PNP, Magalang BFP, at mga kawani ng pamahalaang bayan kasama ang MTC Magalang.


Ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay isang pagkakataon upang bigyang-pugay ang mga bayani at lumalaban para sa kalayaan ng Pilipinas.


Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang bansang Pilipinas!