Lumagda sa isang kasunduan sina Magalang Mayor Malu Paras Lacson at PSAU President Dr. Anita G. David, para sa isang Extension and Training Program na handog ng Pampanga State Agricultural University sa iba’t ibang barangay sa ating bayan.

Layon ng programang “Empowering Barangays of the Municipality of Magalang through Relevant and Impact-Driven Extension Services for Food Security, Climate Resiliency, Biodiversity & Conservation, Poverty Alleviation, and Education” na lalong umangat ang antas ng edukasyon sa bawat Magaleno.
 
Kasama din sa naturang seremonya sina Councilor Norman Lacson, Executive Assistant Daniel Xavier T. Lacson, at mga opisyales ng PSAU.
 
Ang pakikipagtulungan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at PSAU ay nagpapakita ng kanilang kooperasyon tungo sa kanilang pangako na tugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng ating bayan.