Tungo sa isang #HealthyPilipinas ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Paras Lacson katuwang ang Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Inold Cruz ang malawakang immunization campaign kontra polio (para sa batang edad 0 to 59 months), at measles at rubella (para sa edad 9 hangang 59 months) sa bayan ng Magalang sa pangunguna ng Municipal Health Office.
Nilalayon ng Chikiting Ligtas Campaign na mabakunahan ang lahat ng bata edad 4 na taon pababa laban sa mapanganib na mga sakit tulad ng tigdas, polio at rubella. Layunin din nito na paigtingin ang pagbibigay kaalaman sa mga magulang upang walang batang kailangang ma-ospital o mamatay para sa sakit na kaya namang iwasan.
Bilang mga magulang, obligasyon nating protektahan ang ating mga anak sa nakamamatay na mga sakit na ito through immunization. Libre, ligtas, at epektibo ang mga bakuna. Pinag-aralan ang mga ito, kaya wala po tayong dapat ipangamba; para po ito sa kaligtasan ng ating mga anak.
Hinihikayat ng ating alkalde ang lahat ng mga magulang na pabakunahan ang ating mga anak kontra polio, measles, at rubella.
Pumunta lang sa ating mga health center at mag-inquire tungkol sa pagpapabakuna.
Previous image
Next image