Sa kanilang pagbisita ay ibinaba ng Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Lacson sa kanila ang mga programa ng ating lokal na pamahalaan. Gaya na lamang ng medical assistance at financial assistance na makakatulong sa kanilang pangangailangang medikal at pang araw araw na gastusin.
Ayon kay Mayor Lacson, patuloy na magpapatupad ng mga programa ang lokal na pamahalaan para patuloy na mapangalagaan at mabigyan ng pagkalinga ang ating mga minamahal na senior citizen at mga differently-abled na Magaleños.