Pagpapahalaga sa Kababaihan: Isang Selebrasyon ng LGU Magalang

Ipinagdiwang ng LGU ng Magalang ang Buwan ng Kababaihan sa pamumuno ni Mayor Malu Lacson. Katuwang rin sa selebrasyon ang mga VAWC desk officers ng ating bayan.


Kasama rin sa selebrasyon ang pagbibigay ng mga karangalan sa mga kababaihan sa ating bayan na nagpakita ng kanilang katapangan at tagumpay sa iba’t ibang larangan ng buhay.


Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, patuloy ang pagpapakita ng LGU sa pamumuno ni Mayor Malu Lacson ng kanilang pagpapahalaga sa mga kababaihan at hangarin na makatulong sa kanila sa kanilang mga pangangailangan.