Magaleños at residente sa mga karatig-bayan, maaari nang mag-request ng mga PSA-issued Certificates gaya ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate at Certificate of No Marriage (CENOMAR) sa tanggapan ng Municipal Civil Registrar (MCR) sa Magalang.

Sa bisa ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ni Mayor Maria Lourdes Paras-Lacson at ng PSA-RSSO III, ang tanggapan ng MCR ay pinahihintulutan nang magproseso ng aplikasyon sa pagkuha ng mga dokumento (PSA-issued civil registry documents) mula sa PSA.
 
Halaga (fee) ng PSA-issued documents:
Birth Certificate: P155.00 + P100.00 (processing fee) = P255.00
Death Certificate: P155.00 + P100.00 (processing fee) = P255.00
Marriage Certificate: P155.00 + P100.00 (processing fee) = P255.00
CENOMAR: P210.00 + P100.00 (processing fee) = P310.00
 
Processing time: 5-10 working days
 
Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring magtungo sa tanggapan ng Municipal Civil Registrar.