Nagkaroon ng masayang pagtitipon ang ating mga barangay captains, barangay officials, mga BARANGAY POLICE at mga pamilya nila sa Magalang Barangay Day kasama si Mayor Malu at mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Magalang.

Isinelebra ang Barangay Day bilang isang araw ng pagbibigay-pugay sa mga BARANGAY TANOD sa malaking kontribyusiyon nila sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa bayan ng Magalang.


Iginawad din ng parangal ang 27 barangay tanod (1 per barangay) bilang “outsanding barangay tanod”. Bilang paggunita sa rd women’s month, kinilala at pinasalamatan din ni mayor Malu ang mga babaeng tanod sa kanilang kasipagan at dedikasyon sa trabaho.


Ang BARANGAY DAY sa Magalang ay idinadaos tuwing March 23 bawat taon kasabay sa kaarawan ng yumaong dating Mayor Daniel T. lacson na kinikilalang “father of public safety & security, peace & order” sa Magalang.