Pinangunahan ni Mayor Malu Paras Lacson ang pamamahagi ng Social Pension na proyekto ng lokal na pamahalaan ng Magalang sa ating mga Magaleñong nakakatanda sa Barangay Dolores, Sta. Maria, Sto. Rosario, San Roque, San Pedro, San Antonio, Bucanan, San Miguel, Lapaz at Navaling.

Patuloy ang suporta ng Magalang LGU upang matugunan at mapahalagahan ang pangangailangan ng mga nakakatanda sa ating bayan.
 
Kung inyong lolo o lola na Magaleño ay kwalipikado sa Magalang Social Pension, maaring lumapit sa Senior Citizen Association sa inyong barangay upang makasali sa programang ito.
 
Matatandaang nabanggit ni Mayor Malu na patuloy ang pagbuo ng mga programa ang lokal na pamahalaan ng Magalang na magbibigay tulong sa ating mga Lola at Lolo. Kasama din ni Mayor Malu si SB Member Norman Lacson sa pamimigay ng Social Pension.