LOOK: MAYOR MALU PATULOY ANG SUPORTA SA RTC III

Pinasinayaan ni Mayor Malu ang selebrasyon ng National Women’s Month ng Regional Training Center III kasama sina Police Colonel Lenbel J Fabia.
 
Tampok sa mensahe ni Mayor Malu sa naturang selebrasyon ang importansya ng kababaihan sa ating lipunan. Aniya “Public service is a noble profession that requires individuals with a strong sense of purpose, commitment, and an unwavering dedication to serving the common good. We believe that every woman is powerful, deserving of respect and capable of making a positive impact in her community”
 
Kinilala ng RTC 3 ang natatanging kontribusyon at patuloy na suporta ng butihing alkalde sa mga programa’t proyekto ng nasabing ahensiya.
 
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Malu sa pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa naturang ahensya. Aniya, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating bayan.