Pinangunahan ni Mayor Malu Lacson ang paglulunsad ng Fertilizer Discount Voucher, programa ng Department of Agriculture katuwang ang lokal na pamahalaan ng Magalang sa ilalim ng Municipal Agriculture Office para sa mga 1,219 Magaleñong magsasaka ngayong araw, ika-31 ng Enero 2023.

Ang mga voucher na ito ay kanilang magagamit sa pagbili ng abono at maaaring ipalit sa accredited merchant ng Department of Agriculture.
 
Layunin ng naturang programa na palakasin ang kanilang produksiyon sa palay at masaganang ani.
 
Dumalo din sa naturang programa sina SB Member Norman Lacson at Municipal Agriculturist Royce Lising.