TIGNAN: LOKAL NA PAMAHALAANG BAYAN NG MAGALANG NAGSAGAWA NG MEDICAL MISSION PARA SA MGA KABATAANG MAGALEÑO

Katuwang ng Returned and Service League of Australia Angeles City-Sub-Branch Philippines na namahagi ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Malu Lacson ng mga custom wheel chair , hearing aid, gamot at tulong medikal para sa mga kabataang Magaleño ngayong araw Disyembre 3, 2022.
 
Patuloy ang mga programang pangkalusugan ni Mayor Malu upang mapaunlad ang antas ng pamumuhay ng mga Magaleño. Aniya, hindi tumitigil ang pagtulong ng lokal na pamahalaang bayan ng Magalang sa mga Magaleñong nangangailangan nito.
 
Para sa mga Magaleñong nangangailangan ng tulong medikal, magtungo lamang sa Malasakit Center na itinayo ng butihing alkalde sa munisipyo. Dalhin lamang ang inyong reseta o anumang katunayan.