TINGNAN: Mayor Malu Lacson at Gov Jae Hyeong Choi lumagda ng MOU para sa trabaho sa mga Magaleño sa bansang South Korea

Pormal ng lumagda sa memorandum of understanding sina Mayor Malu Lacson, Governor Jae Hyeong Choi ng Boeun, South Korea para maisakatuparan na ang programang magbibigay ng trabaho para sa Magaleño sa naturang bansa o Foreign Seasonal Workers Program.
 
Kasama ni Mayor Malu ang ilang mga Mayor sa probinsya ng Pampanga na pinangunahan ng ating butihing gobernador Dennis “Delta” Pineda.
Malaki ang pasalamat ni Mayor Malu Lacson kay Gov. Jae Hyeong Choi ng Boeun county dahil malaking tulong para sa mga Magaleño ang programang ito lalo na’t marami umanong masisipag na Magaleño ang naghahanap ng trabaho.
Para sa mga interesadong sumali at magtrabaho sa Foreign Seasonal Workers program ng Magalang LGU at South Korea, maaaring magpunta sa PESO Magalang.