OPLAN KALULUWA 2022 PINANGUNAHAN NI MAYOR MALU

Plantsado na ang mga paghahanda ng ibaโ€™t ibang tanggapan na lalahok sa Oplan Kaluluwa 2022 sa ating bayab upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan at katahimikan sa paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa at Yumao na.
Pinangunahan ni Mayor Malu ang Oplan Kaluluwa Technical Working Group (TWG) na dinaluhan ng ibaโ€™t ibang sangay ng pamahalaan katulad ng PNP, BFP, at mga opisina sa lokal na pamahalaan ng Magalang upang muling talakayin ang mga itatalagang Incident Command System, Assistance Help Desk, at mga nakatakdang alternatibong ruta sa mga pangunahing kalsada ng Magalang patungo sa kalsadang nakapaligid sa mga sementeryo upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa nasabing araw.
Makikita sa mapa ang mga itinalagang rerouting plan at Police Assistance Desk para masigurong ligtas at maayos ang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo sa Araw ng mga Kaluluwa at Yumao na.