iBPLS : Para sa makabagong Magalang

Ngayong araw ay matagumpay na natapos ang training and workshop ng mga kawani ng Business Permit and Licensing Office sa pangununga ni Mr. Ryan Miranda at Municipal Treasurer’s Office sa pangunguna ni Ms. Raissa Bayani. Ang training at workshop ay pinangasiwaan ng Department of Information and Communication Technology Region III na naglalayong gawing makabago ang pagproseso ng pag-aapply ng Business Permit sa ating bayan.
 
Dinaluhan ni Mayor Malu Lacson ang training and workshop at personal na nagpasalamat sa mga kawani ng DICT Region III sa kanilang tulong upang maisakatuparan ang kanyang plano para sa makabagong Magalang. Aniya “Unti-unti na nating ginagawang possible ang FULL COMPUTERIZATION ng ating business permit application na makakaengganyo ng mga mamumuhunan sa ating bayan na makakapag bigay ng trabaho para sa lahat ng mga Magaleño’.
Inaasahang sa darating na Enero ay magagamit na ang iBPLS ng DICT Region III upang mas mapabilis ang proseso sa BPLO.

Checkout the full story here: https://www.facebook.com/photo/?fbid=492950189511140&set=pcb.492950982844394