Nasa 400 na Magaleรฑo ang naging benepisyaryo ng programa. Nasa Php1,000 ang halaga ng natanggap ng mga mag-aaral sa elementarya, Php2,000 sa highschool, Php3,000 sa senior high school, at Php4,000 naman sa kolehiyo.
Ang mga napiling kwalipikadong benepisyaryo ay mga walang hanapbuhay ang magulang, hindi kabilang sa 4Ps, at hindi nakakatanggap ng iba pang mga benepisyo.
Nagpasalamat si Mayor Malu Lacson sa DSWD sa pagiging katuwang ng Local Government Unit of Magalang sa pagbibigay ng tulong sa mga estudyante sa ating bayan na magagamit nila sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral.
Para sa impormasyon patungkol sa education assistance mula sa DSWD, tignan ang opisyal na Facebook page na DSWD Region III – Central Luzon.